Resto sa Taal Lake gigibain ngayong araw

NAKATAKDANG gibain anomang oras ngayong umaga ang inireklamong floating restaurant sa Taal Lake na natuklasang nagtatapon ng dumi sa lawa at nag-o-operate nang walang sapat na papeles.

Napasok na ng demolition team at mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Protected Area Management Board (PAMB) ng Taal Volcano Protected Landscape (TVPL) ang naturang restaurant sa Talisay, Batangas.

Nabatid na mahaba na umano ang ginawang extension ng restaurant mula sa pampang at may apat na bangka ang may-ari ng restaurant na may 100 seating capacity na tiyak na nakasisira sa ecology sa ilalim ng tubig.

Ayon kay AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones, tila walang balak sumunod sa notice of closure ang pamunuan ng resort dahil nadatnan pa nilang intact ang restaurant nito.

Tinangka pang harangin ng mga tauhan ng Taal Volcano Jung Ang Leisure and Resort Inc. ang mga opisyal ng DENR kasama sina Palmones at Talisay Mayor Zenaida Mendoza.

Nabatid na pumanaw na ang Koreano na may-ari ng resort at ang asawa na nito ang nagpapatakbo sa negosyo.

Napag-alaman pang pinagsarhan pa umano ng gate ang mga awtoridad at ipinakausap ang kanilang abogado nguit hindi na pinagbigyan ang pamunuan ng resort at kasalukuyang hinahakot na nila ngayon ang kanilang gamit para masimulan na ang demolisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply