Reward promotion itinanggi ni Justice De Castro

MARIING pinabulaanan ni Supreme Court (SC) Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro na nabigyan ito ng reward promotion sa paghawak ng plunder case laban kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay De Castro, bunga ng mahabang panahon ng serbisyo sa pamahalaan dahil sa kaso ng dating Pangulong Estrada, kaya na-delay ang kanyang promotion.

Dahil aniya dito, marami ang nagkakamaling nakinabang siya sa paghawak ng nasabing kaso at nabigyan siya ng reward promotion.

Ginawa ni De Castro ang kanyang pahayag matapos na may makarating na mensahe sa Judicial and Bar Council (JBC) sa pamamagitan ng social media na nagsasabing siya ay nabigyan ng Korte Suprema ng promotion dahil nagkaroon ng pagkakataon si dating Pangulong Gloria Arroyo na pumalit nang ibaba ang hatol sa kaso ni Estrada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply