RH Bill may sapat na suporta sa Kamara

MAY sapat na bilang ang mga kongresistang sumusuporta sa Reproductive Health Bill. Ito ang kinumpirma ni Manila Rep. Trisha Bonoan-David dahil nagbilang na aniya sila.

Si Bonoan-David ay kabilang sa mga mambabatas na mahigpit na tumututol sa RH bill.

Ngunit tutol si Bonoan-David na ipahinto ang debate sa panukalang ito dahil makabubuti aniyang mapakinggan ng taumbayan ang magkabilang panig bago pa man tuluyang ipasa o ibasura.

Samantala, idinepensa ni House Minority Danilo Suarez ang pagbawi ng oposisyon sa kanilang suporta sa RH Bill.

Kinumpirma ni Suarez na walo sa mga miyembro ng minorya ang umatras sa pagkatig sa RH bill, isang linggo bago ang nakatakdang botohan ng Kamara sa kapalaran ng panukala.

Ipinaliwanag ni Suarez na mula’t sapul ay ‘hesitant co-author’ siya ng panukala ngunit sinuportahan niya ito dahil sa pagka-alarma sa dumaraming bilang ng unwanted pregnancies sa bansa.

Bukod kay Suarez, ang iba pang bumagligtad sa RH bill ay sina Reps. Orlando Fua, Nasser Pangandaman, Muhhamad Hussein Pangandaman, Catalina Bagasina at Elmer Panotes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply