Rider nahulog sa spillway sa Rizal

HINAHANAP na ngayon ng mga awtoridad ang isang motor rider na nahulog sa spillway sa Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal kaninang madaling araw.

Sa ulat sa radyo, hinala ng Rodriguez police na lasing ang hindi pa nakikilalang rider at nahulog ito sa motorsiklo habang binabagtas ang spillway.

Nasa pulisya na ngayon ang motorsiklo ng biktima habang patuloy ang paghahanap sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply