Rider tigbak sa trak

PATAY ang isang lalaking naka-motorsiklo matapos mabundol ng truck habang ang una ay papatawid sa Caloocan City kagabi (Hulyo 1).

Kinilala ang namatay na si Alejandro Hipolito, 28 ng Sawata, Maypajo ng lungsod na nagtamo ng pinsala sa ulo at latawan.

Sumuko naman sa mga pulis si Jun Jun Columna, 25 ng Quezon City at driver ng Isuzu Elf (RDX-896).

Base sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, binabagtas ng suspek C-3 Road, ng lungsod nang mabundol ang biktima na nagmamaneho ng Honda motorcycle (8864-UD).

Sa lakas ng pagkakabundol ay tumilapon ang biktima at bumagsak sa kalsada na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply