Rider todas sa truck sa Caloocan

PATAY ang isang motorcycle rider matapos matumbok ng elf truck kagabi sa C-3 Road, Caloocan City.

Dead on the spot ang biktima na kinilala ni SPO4 Allan Dematera, hepe ng PCP-7, C-3 Road na si Alejandro A. Hipolito, 28, ng Barangay 35, Sawata, Maypajo, Caloocan City.

Sa report ng pulisya, dakong 8:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahagi ng intersection ng Talakitok St. at C-3 Road ng nasabing lungsod.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang biktima ay sakay ng itim na Honda Wave motorcycle na walang plaka galing ng Talakitok St. at pakanan sa C-3 road nang banggain ng elf truck na may plakang RDX-896 at pag-aari ng FRV trucking na minamaneho ni Jun-Jun M. Caluma.

Agad namang sumuko sa PCP-7 ang suspek.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply