Rizal PNP inutil sa nakawan sa kable ng telepono

SUNOD-SUNOD ang nakarating na reklamo sa Lily’s Files kaugnay  sa sunod-sunod na nakawan ng mga kable ng telepono sa lalawigan ng Rizal, ngunit ang nakapagtataka rito ay wala man lang magawa ang Rizal PNP.

At dahil sa sunod-sunod na nakawan ng mga kable ng telepono ay maraming mga establishment ang naapektuhan at nalugi.

Noong nakalipas na Hulyo 14 ay nagawang manakaw ng hindi kilalang mga salarin ang linya ng Digitel malapit sa simbahan ng Antipolo kung saan ay ilang metro lang ang layo nito sa sub-station ng Antipolo Police Station.

Makalipas ang tatlong araw (Hulyo 17) ay muling sumalakay ang mga kawatan ng kable sa may ka-habaan naman ng M.L. Quezon sa lungsod din ng Antipolo.

Sinasabing napakaraming mo-bile patrol ang Rizal PNP ngunit bakit tila yata walang nahuhuli rito ang  ating mga kapulisan o sadyang  nag- bubulag-bulagan lang ang mga ito dahil ayon sa ating source kara-mihan umano sa mga kawatan diyan sa Rizal ay bata ng mga pulis.

Sa sumbong pa rin ng ilang ne-gosyante ay sinasabing nakikita naman daw ang mga mobile patrol na umiikot sa kanilang jurisdiction hindi nga lang para maghanap ng mga kawatan kundi sa mga resto bar kung saan ay doon sila nangi-nginain, kahit itanong n’yo pa sa may-ari ng bar, partikular na ang may-ari ng  Pranjetto at Calleza Bar. Tsk tsk tsk, kaya naglalakihan ang tiyan ng mga hinayupak na ito dahil puro libre ang mga kinakain.

P/Supt. Rodino Elfa, pagsabihan n’yo naman ang mga mobile patrol na umikot-ikot naman sa kanilang hurisdiksyon para madakip at matigil na ang nakawan ng kable diyan sa Antipolo.

Masasabi nating economic sa-

botage ang ginagawa ng mga  kawatan dahil malulugi na ang kom-panya ng internet at lugi rin ang mga negosyante sa  nasabing lugar dahil bukod sa net ay nawawala rin ang telepono na siyang panguna-hing komunikasyon ng mga kom-panya.

May balitang paretiro na raw itong si  Elfa, baka kaya ayaw ku-milos at ayaw umaksiyon sa problema ng mga taga-Antipolo. Sir, wag kayong tutulog-tulog diyan sa opisina n’yo, nagpapalaki kayo ng tiyan n’yo, eh. Galaw-galaw, sir, baka ma-stroke.

Base sa sumbong na ating ti-nanggap, naging pabaya rin daw ang mga matataas na opisyal ng kompanyang Digitel dahil kahit  umano anong  pagmamalasakit ng mga technical group ng Digitel sa kanilang subscriber ay wala silang  magawa kasi wala silang naka-ready na pamalit ng kable. Kung kaya  halos abutin ng  isang buwan bago nila ito magawa kasi ino-order pa sa ibang bansa ng kanilang mga big boss ang kable.

Hindi natin maalis na magka-roon ng nakawan ng kable saan-mang lugar nang dahil na rin sa ka-inutilan ng pulisya.

Pero sana naman may mala-sakit ang kompanya sa kanilang mga subscriber na maibalik kaagad ang serbisyo dahil malaki ang nawawalang kita ng ilang nagne-negosyo partikular na ang mga internet shop.

Sana lang po aksyunan naman ng ating mga kapulisan ang prob-lemang ito ng ating mga negosyan-te riyan sa lungsod ng Antipolo..

Bukas po ang Lily’s files Co-lumn natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento.  Mag-text lang po sa  09155683000 at 09087230036 o kaya ay mag- email lang sa lpr_2012@yahoo.-com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply