Robredo: LGUs sangkot sa iligal na pagmimina

NANINIWALA ang Department of the Interior and Local Government na sangkot din umano ang ilang local ng pamahalaan sa bansa sa iligal na pagmimina.

Ito ang inamin kahapon ni Interior and local government Secretary Jesse Robredo.sa isang panayam sa himpilan ng radio.

Magkagayunman, ayon sa kalihim, hindi na raw niya mabilang kung ilang mga lokal na opisyal ang dawit sa mga iligal na pagmimina.

Kabilang daw sa partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan ang pag-i-issue ng permiso para sa small-scale mining.

Dagdag pa ni Robredo, nagiging “front” lang daw kadalasan ang mall-scale mining para sa large-scale mining sa bansa.

Sinabi rin ni Robredo na napag-alaman niya na pinapayagan ng mga lokal na opisyal na gumamit ng heavy equipment at dinamita ang mga minero sa kanilang mga operasyon.

Ginawa ni Robredo ang pag-amin ilang araw matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang executive order na nagbabawal sa pagpasok ng pamahalaan sa mga bagong kontrata sa pagmimina.

Pinigilan din ng naturang EO ang pagmimina sa higit sa 70 protected areas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply