Robredo: Mga lokal na piitan, isailalim sa BJMP

MATAPOS ang pagkakapuga ng may 11 mapanganib na mga bilanggo sa Maguindanao,  hinikayat ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo ang ibat-ibang local government units (LGUs) na ipasailalim na sa kontrol at superbisyon ng Bureau of Jail Management and Penology ang mga lokal na piitan nila.

Ani Robredo, kung nasa pangasiwaan na ng  BJMP ang mga lokal na piitan ay matutugunan nito na mabawasan ang insidente ng pagtakas dahil may sapat na kaalaman sa teknikalidad at may kasanayan na ang mga tauhan ng BJMP pagdating sa ganitong sitwasyon.

Ang mga tauhan sa mga provincial, city at municipal jails na pinatatakbo ng mga governor, city o municipal mayors ay hindi sanay sa mga jail breaks.

Ayon pa kay Ropbredo “if we could place all these local jails under the BJMP, its management would be professionalized” .

Aniya, pawang mga professional at matitindi ang mga pinagdaanang pagsasanay ng mga jail guards ng BJMP pagdating sa sitwasyon ng jailbreak at may posibilidad  na mabawasan o wala ng pagpuga na mangyayari.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply