Rodman nakaharap na ang erpats

NAKAHARAP na ni dating National Basketball Association NBA superstar at American Hall of Famer na si Dennis Rodman ang kanyang ama kagabi sa Mall of Asia Arena.

Si Rodman na may ilang beses na ring nakapunta sa Pilipinas pero ang pagpunta niya ngayon sa bansa ang itinuturing niyang pinakahindi niya makalilimutang pagbisita dahil matapos ang may 42 taon ay nakita na rin niya sa wakas si Philander, ang kanyang tatay.

Kaya nang may mag-timeout sa laro ay may natitira pang 16 na segundo sa All-Star Basketball Challenge sa pagitan ng NBA legends at ng Philippine Basketball Association (PBA) Greats, kinuha ng 51-anyos na si Rodman ang mikropono at kinausap ang libo-libong panatiko ng basketball.

“I haven’t seen my father in 42 years, but that’s him sitting right there,” pahayag ni Rodman, habang itinuturo sa patron section ng The Arena kung saan nandoon ang kanyang ama.

Si Philander, na isang Vietnam war veteran at tumira sa Pilipinas simula pa noong 70s, ay hindi makalilimutang isuot ang kanyang red baseball cap na may nakasulat na “Yes, Dennis Rodman is my son.”

Suot din nito ang t-shirt na may “Rodman’s Rainbow Obamaburger”, ang kanyang burger joint sa Angeles City sa Pampanga na nagbebenta ng rainbow-colored buns, na alaala ng kanyang anak na may “psychedelic hairdo.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply