Rodman, Pippen lalaro sa Pinas

MAGHAHARAP ang pinakamahuhusay na National Basketball Association at Philippine Basketball Associations stars sa idaraos na All-Star Basketball Challenge sa Hulyo 18 sa bagong SM Mall of Asia Arena sa Pasay.

Darating sa bansa ang ilang kilalang player sa NBA tulad nina Scottie Pippen at Dennis Rodman upang magbigay-aliw sa milyun-milyong fans ng basketball sa bansa.

Si 6-foot-8 Pippen ay dating player ng Chicago Bulls noong 1987 hanggang 1998 bago lumipat sa Houston Rockets noong 1999. Pero napunta sa Portland Trail Blazers at naglaro roon mula 1999 hanggang 2003.

Nagbalik sa Chicago si Pippen noong 2003 hanggang 2004.

May hawak na anim na championship rings si Pippen noong 1991, 1992, 1993, 1996, 1997 at 1998.

Naging NBA All-Star Game Most Valuable Player noong 1994.

Si Rodman sa kabilang banda ay isa sa pinakasikat na NBA player na nagsimulang maglaro sa NBA noong 1986 hanggang 1993 para sa Detroit Pistons. Naglaro sa San Antonio Spurs (1993-1995), Chicago Bulls (1995-1998), Los Angeles Lakers (1999) at Dallas Mavericks (2000).

Mayroon itong limang kampeonato at kinilala bilang NBA rebounding champion mula noong 1992 hanggang 1998.

Kasama nila Pippen at Rodman sina Horace Grant, Mitch Richmond, Cliff Robinson, Bryon Rusel, Jason Williams, Alexis Foyle, Jeff Trepagnier, Chris Campbell at Charoy Bentley.

Ang PBA legends na sina four-time Most Valuable Player Alvin Patrimonio at one-time MVP Kenneth Duremdes kasama sina Jerry Codiñera, Marlou Aquino, Vince Hizon, Nelson Asaytono, Bal David, Noli Locsin at EJ Feihl ang makasasagupa ng NBA legends.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply