Rollback sa pasahe, malabo na

MALABO nang maipatupad ang inaasam-asam na fare rollback matapos muling umarangkada ang panibagong oil price hike ng Pilipinas Shell at Chevron ngayong araw.

Epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga, tumaas ng P1.55 ang presyo ng kada litro ng gasolina, P1.40 sa diesel at kerosene; at P1.80 sa regular gasoline.

Samantala, sa nagtataas ng P1.40 ng diesel, babalik muli sa P40.10 ang kada litro nito mula sa kasalukuyang P38.70.

Samantala, inihayag ni Pasang Masda Pres. Roberto Martin, na posibleng isulong muli nila ang petisyon para itaas sa P10 ang pasahe dahil unti-unti na naman ang pagtaas ng produktong petrolyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply