Abandonadong hotel, nasunog

POSIBLENG naiwang apoy mula sa ninakaw at sinunog na kable sa roof top ng isang abandonadong hotel ang tinitingnang dahilan ng sunog kanianng umaga sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila.

Ayon kay Manila Fire Department Chief Insp. Bonifacio Carta, nagsimula ang sunog dakong alas 5:20 ng umaga sa ika-20 palapag o roofdeck ng Grand Boulevard Hotel kung saan umabot ito sa ikatlong alarma.

Ang nasabing hotel ay may anim na taon nang abandonado dahil sa hindi mabayarang realty tax sa pamahalaang lungsod ng Maynila.

Nahirapan naman ang mga bumbero na aapulahin ang apoy bukod sa madilim sa lugar ay wala ring suplay ng kuryente at hindi na rin mapakinabangan ang mga escalator at elevator.

Hinihinalang pinasok ng mga magnanakaw ng kable ang nasabing hotel na maaring nakapag-iwan ng apoy sa pagsunog ng kable para makuha ang tanso.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa naganap na sunog sa hotel ng Manila Fire Bureau.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply