ROOM FOR RENT (Ikaanim na labas)

“Sulit din ang upa natin sa kuwartong ito. May libreng show pa.”

“Gumaganti lang siguro tayo. Baka napanood nila tayo. Nakakahiya. Nalaman nilang mahina ako sa sex,” ani Almar.

Hanggang sa pagtulog, bakas ang kasiyahan sa mag-asawang Almar at Mara. Magkayakap na natutulog. Bakas ang masayang pagsasama.

Nang mag-umaga na. Lumabas si Almar upang bumili ng aalmusalin nilang mag-asawa, nakasabay nito si Mang Sebyo na nakasaklay.

“Saan ang punta ninyo Mang Sebyo?”

“Bibili ng lugaw. Alam mo, ganyan  kami ni Moreng. Lugaw at tinapay lang sa umaga. Hindi na kami nagluluto. Dalawa lang kami sa bahay. May kanya-kanyang buhay ang aming mga anak. Bibili ka rin ba ng aalmusalin mo. Maraming mapagpipilian sa karinderya sa kanto.
May pansit, bihon. Lomi o sopas ”

“Sabay na tayo Mang Sebyo sa paglalakad.”

“Sige, pero mabagal akong maglakad. Alam mo naman, nakasaklay na ako.”

“Puwede n’yo bang sabihin sa akin ang sekreto ninyo kung bakit tumatagal kayong nakatayo ang ari ninyo habang nakikipagsex sa misis ninyo?”

“Alam mo, Pare, mahigpit na bilin sa akin ni Moreng na huwag kong ipagsabi ang sekreto namin. “

“Ibig nyong sabihin, ganoon kahalaga ang sekretong iyon para sa inyong mag-asawa.”

“Hindi naman, pero nahihiya rin kami kapag nalaman ng kahit na sino. Pero sa nakita kong interesado ka,  susuwayin ko ang gusto ng misis ko. Huwag mo lamang sabihin sa asawa ko na ako ang nagsabi sa iyo sakaling matuklasan niyang ang sekreto ko ay sekreto mo na rin. Kasi, siya ang nakadiskbre noon. Hindi ako.”

“Promise Mang Sebyo. Mananatiling lihim ang pinag-usapan natin.”

Hindi nagkait si Mang Sebyo. Sinabi kay Almar ang Sekreto niya. Kaya naman masaya siyang umuwi at agad na nagpaalam sa asawa.

Bagama’t napansin ni Mara na kakaiba ang kilos ni Almar lalo pa’t napakaagang umalis ay hindi na niya ito inalintana.

Naiwan siya sa bahay at inabala na lamang ang sarili upang ayusin ang kanilang tirahan.

Nang mapagod sa paglilinis, napagtitigan niya ang butas na kagabi lamang ay nakapagdulot sa kanilang ma-asawa ng kasiyahan sa napanood na ginagawa ng mag-asawang si Aling Sebyo at Aling Moreng.

Natukso siyang sumilip.

At nalaman niyang nag-iisa si Mang Sebyo. Itutuloy

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply