RoS, B-Meg magbabakbakan sa PBA Finals

NAGLALAWAY na ang Rain or Shine Elasto Painters na makalaro sa Finals matapos ang anim na taong paghihintay.

Natupad ang pangarap ng Elasto Painters ng pintahan nila ang 92-82 panalo kontra B-Meg Llamados sa semis kung saan ay sila rin ang maghaharap sa Finals 2012 PBA Governors’ Cup na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Nakapuwersa naman ng rematch ang Llamados nang talunin nila sa playoff game ang Barangay Ginebra, 74-72 kagabi.

Mag-uumpisa ang salpukan ng RoS at B-Meg bukas ng ala-sais ng gabi para sa best-of-seven series.

Bukod sa kanilang imports, sasandalan ni Elasto painter coach Yeng Guiao si rookie guard Paul Lee habang kay James Yap naman kukuha ng tapang si Llamados coach Tim Cone.

Sa laban ng Llamados at Ginebra ay si PJ Simon ang pumupog para sumapa ang B-Meg sa Finals.

Tinarak ni veteran guard Simon ang pamatay na two points may 2.5 segundo na lamang ang nalalabing oras.

Dalawang beses tinalo ng Painters ang B-Meg sa season na ito kaya naman asahang may mga bagong adjustments sa plano ni coach Cone.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply