RP energy ang boss ni Pnoy?

KANDAHUMAHOG ang Redondo Peninsula Energy (RP Energy) sa pambobola sa mga mamama-yan ng Subic, Olongapo at Zam-bales para tuluyan nang maitayo ang Coal Power Plant nito sa Su-bic.

Hindi nito kinikilala ang isi-nagawang Social Acceptability Process ng Subic Bay Metropo-litan Authority (SBMA) kung saan mahigpit na pagtutol sa Coal Plant ang inihayag ng mga taga-Olon-gapo, Subic Freeport at lalawigan ng Zambales.

Sa halip, naglunsad ito ng kung ano-anong aktibidad sa iba’t ibang lokalidad, mga paaralan at maging sa mga mall ng Freeport at Olongapo.

Ultimo mga sporting events ay sinasawsawan ng RP Energy para magpakitang-tao sa mga mamamayang mapipinsala ng itatayo nilang Coal Plant sa Subic.

Ito Ang Totoo: ang mga tolong-ges na tauhan at galamay sa Subic ng RP Energy ay hindi lumilikha ng mga kaibigan sa lugar at karatig kundi mga kaaway dahil sa kani-lang baluktot na pag-iisip at pana-naw.

At pati ba naman mga mag-aaral sa elementarya ay nilalason ang isip kasabwat ang ilang guro tulad ng mga batang nakikiuso sa larong football na pinagtatapunan ng pera ng RP Energy para nga maka-pambola!

Hindi pa nagkasya sa pamba-bastos sa SBMA sa hindi pagkilala sa Social Acceptability Process na isinagawa nito, nag-sagawa ng sa-riling “Public Hearing” ang RP Energy, kasabwat ang DENR Re-gion 3, sa Convention Center ng SBMA na hindi basta mararating ng simpleng taong walang  sariling sasakyan.

Kaya ayun, naglipana ang ale-gasyon na hinakot ang may 5,000 daw katao na karamihan ay bina-yaran umano ng P300 each para magmukhang lehitimo ang “public hearing” ng RP Energy-DENR R3 tandem.

Pero kahit anong gawing gastos ng RP Energy para i-kondisyon ang isip ng tao, kay Pangulong Noynoy Aquino pa rin ang huling desisyon dito.

Ito Ang Totoo: kung paninindigan ni Pangulong Aquino ang pagsasabi patungkol sa mamamayan na “Ka-yo ang boss ko!” hindi niya papaya-gang maitayo ang kinatatakutang mapaminsalang Coal Plant sa Subic dahil malinaw na isinusuka ito ng mga tao dito.

Patuloy nating susubaybayan sa column na ito ang usapin sa Coal Plant dahil buhay, kabuhayan at kinabukasan ng mamamayan ang nakataya dito.

Sa bagay na ganito ka-ser-yoso, dapat may paninindigan tayo. Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 0999-4001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply