Rufa Mae binabawian ng mansion ng ex na politiko

GAANO kaya katotoo ang tsismis na binabawi na raw ng politikong dating karelasyon ni Rufa Mae Quinto ang mga naibigay nito sa kanya. At ang isa nga raw sa pinakamahal at pinaka-importanteng na-givesung sa kanya ng ex-lover niyang ito ay itong mansion sa America.

Ang politician na may initial na ‘M’ at sinasabi noon ng aktres na pakakasalan siya ang umano’y nambabawi nang mga naibigay na sa sexy star.

Kaya hilong-talilong daw ngayon si Rufa Mae. Hindi raw nito malaman ang gagawin. Kaya nga raw humihingi sana ito ng malaking talent fee sa Wil Time Bigtime para naman may pambawi sa mawawala sa kanya. Iyon nga lamang, hindi na nga naaprubahan ang TF, hindi pa natuloy sa show ni Willie Revillame.

Well, kung totoo ito, ibigay na lamang niya para hindi siya madamay sa anomang kasong puwedeng isampa ng gobyerno sa ex niya regarding sa ill-gotten wealth nito.

***

Celebrity nanalo dahil sa secret admirer

SI TV HOST/SINGER ay pinagtakhan noon kung bakit napuno nito ang Smart-Araneta nang mag-concert siya samantalang iyong mas magagaling sa kanya at ‘di hamak na sikat ay kalahati lamang sa regular capacity ang pumasok na audience. Imagine, kahit nagsama na nga ang dalawang beteranong singer ay lugi pa rin ang concert nila, pero ang una ay talagang walang halos paglagyan ang mga nanood sa bigdome.

Well, sa sobrang paghanga ng may-ari ng isang produkto na iniindorso nito ay bumili ito ng ilang milyong ticket at pinabigay sa tao kaya napuno ang venue.

Katulad din ito sa kwento ng isang magandang celebrity na nanalo nang ilang milyong boto sa pakontes at nilampaso ang mga sikat na naging katunggali nito sa number one position. Ang dahilan nang kanyang pagkapanalo ay isang binatang mayaman na matindi ang paghanga sa kanya na hindi nanghihinayang ng malaking halaga manalo lamang siya sa botohan.

Of course, bibilib ka rin sa kanyang manager na kahit mas malaki ang ginagastos nito kesa sa nakukuhang porsiyento sa kinikita ng alaga, gumagastos pa rin ito ng malaki masiguro lamang ang panalo niya.

***

Gretchen kaaway ba o kakampi ni Kathryn?

BONGGA ang pag-eksena ni Gretchen Barretto sa “Princess and I” noong Lunes (Hunyo 25) dahil sa gabing iyon, nakamit ng ‘royal teleserye’ ng ABS-CBN ang all-time high national TV rating nitong 40.6%, base sa datos ng Kantar Media.

Sa nasabing episode, pinakaabangan ng TV viewers ang pagdating sa Pilipinas ng karakter ni Gretchen Barretto na si Ashi Behati at kung paano niya babaguhin ang takbo ng buhay at lovelife ni Mikay (Kathryn Bernardo) at ng kanyang tatlong ‘prinsipe’ na sina Kiko (Khalil Ramos), Gino (Daniel Padilla), at ang unico hijo ni Ashi na si Dasho Jao (Enrique Gil).

Ngayong pumayag na si Mikay na maging second assistant ng ina ni Jao, anong mga pagsubok ang pagdaraanan niya sa kamay ni Ashi Behati? Magtagumpay kaya si Ashi na ilabas ang kahinaan ng babaeng pinakamamahal ng kanyang anak? O mahuhuli rin ni Mikay ang loob niya sa sandaling mapatunayan nitong ang kakaibang katatagan niya?

Ano nga ba si Ashi Behati sa buhay ni Mikay– kaaway o kakampi? Tuklasin ang sagot gabi-gabi sa pagpapatuloy ng lalo pang gumagandang kuwento ng ‘royal teleserye’ ng ABS-CBN na “Princess and I,” gabi-gabi, pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida. ara sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply