Ruling ng CA vs PIATCO pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang desisyon ng Court of Appeals na sumasang-ayon sa findings ng London court na nag-aatas sa Philippine International Air Terminals Company Inc. (PIATCO) na bayaran ng US$172-million ang dalawang Japanese contractors.

Sa 12-pahinang desisyon na isinulat ni Third Division Associate Justice Diosdado Peralta, inihayag ng Korte Suprema na wala silang nakitang dahilan para baligtarin ang desisyon ng Court of Appeals na kumatig din sa ruling ng Makati City Regional Trial Court

Batay sa desisyon ng Branch 43 ng Makati RTC, dapat na makakolekta ang Takenaka Corporation at Asahikosan Corporation ng  Japan ng $81.27 million, P116.8 million at 65,000 pound mula sa PIATCO alinsunod sa dalawang desisyon ng  High Court of Justice, Queen’s Bench division, Technology and Construction Court sa  London, England noong 2005.

Inatasan din ang PIATCO na bayaran ang Takenaka at Asahikosan ng P2 million bilang attorney’s fees at P77.8 million bilang litigation expenses.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na walang nangyaring grave abuse of discretion dahil kinuha ng lower court ang posisyon ng magkabilang panig bago nagpalabas ng desisyon.

Una nang kinuha ng PIATCO ang serbisyo ng dalawang Japanese contractor para sa pagtatayo ng NAIA Terminal 3.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply