Sa kabila ng hiwalayan isyu: Toni, Direk Paul, going strong pa rin

PAULIT-ULIT na tinatanong sa daily showbiz radio program naming Star Na Star sa DWIZ (882 khz) with my BFFT Pete A. and FF (friends forever) Abe Paulite aka Papa Umang, ang tungkol sa isyung hiwalay na raw ba sina Toni Gonzaga at Papable nitong boyfriend na si Direk Paul Soriano?

Ang sagot diyan ay not true! Sa katunayan mas going strong pa ang relasyon ng dalawa at okey na okey na rin si Direk Paul sa parents ni Toni na sina Mommy Pinty at Daddy Carlitos Gonzaga.

Yes, sa mga panahong ito ay tanggap na ng mag-asawa ang pagmamahalan ng dalawa at may basbas sila rito. Another thing, Mommy Pinty knows naman na hindi basta-basta magdedesisyon si Toni na pagsisihan nito sa bandang huli. Wala pa namang planong mag-asawa ang kanyang TV host singer-actress daughter dahil marami pa itong gustong gawin sa kanyang career.

Hindi lang siyempre sa career kundi sa future nito kung saan inuumpisahan ng ipatayo ang school nila ng younger sister na si Alex na located sa mismong compound ng kanilang mansyon sa Taytay Rizal kung saan ilang taon ng konsehal rito ang kanilang Daddy Carlitos.

By the way, aside sa dalawang regular shows ni Toni sa Dos na ASAP at The Buzz, may movie ang comedic actress with Vice Ganda and Luis Manzano under Star Cinema and Viva Films. Love triangle ang tatlo rito kaya ang saya! Good career na, blooming pa ang lovelife gyud!

***

Deserve ng SIR na maging No.1 Saturday showbiz talk show

HAPPY kami nila Amigang Pete at FF Abe P. at parami nang parami na ang nakaa-appreciate para panoorin tuwing Sabado pagkatapos ng It’s Showtime ang Showbiz Inside Report, hosted by top-caliber actresses Janice de Belen and Carmina Villaruel with lovable comedian Joey Marquez and Ogie Diaz na sikat na sikat ang character bilang si Kenneth na kanang kamay ni Tita Helen Gamboa sa No. 1 teleserye ng ABS-CBN 2 na Walang Hanggan.

Well, isang malaking factor na nakikita namin kung bakit nag-iba na ng choice ang televiewers at SIR na ang kanilang mga tinututukan ay dahil sa naiibang konsepto ng show na matapang at malalim ang mga tinatalakay na isyu bawat episode. Tunay na tao sa likod ng kuwento ang nilalahad ng programa at para detalyadong maibigay nila nang walang labis, walang kulang sa istorya ng buhay ng mga artistang kanilang pini-feature, mabusising sinasaliksik ng mga writers at researchers ng SIR ang bawat kuwento kaya naman hindi lang pinupuri ng mga kritiko ang kanilang show kundi trending worldwide pa sila at pinag-uusapan talaga sa ilang social networking media.

‘Yung tribute nga nila para kay Gov. Vilma Santos, hanep sa ganda! Sa 50 years ng One and Only Star for All Seasons sa showbiz ni isang kabanata sa buhay ng aktres ay wala silang kinalimutan. Lahat ay naipalabas nila na sobrang nagustuhan ng televiewers, lalong-lalo na ng mga avid and loyal Vilmanians ni Gov. Vi.

This Saturday (bukas, July 28) naman, abangan sina Kim Chiu, PBB Teen Big winner Myrtle Sarrosa and ex-PBB Big winner Keanna Reeves kung saan isa-isang ikukwento ng mga ito kung papano silang nagwagi at nasawi sa episode na Ako Ang Nagwagi, Ako Ang Nasawi!

Lahat ng ‘yan ay sa nangungunang SIR, ang Trending Saturday Entertainment Talk Show sa Kapamilya network.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply