Sa kalasingan Korean national, ninakawan sa Boracay

DAHIL sa sobrang kalasingan, isang Korean national ang napagnakawan ng isang hinihinalang miyembro ng ‘salisi gang’ sa Station 2, Brgy. Balabag sa isla ng Boracay.

Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), hiniling ng 29-anyos na dayuhan na huwag ng isapubliko ang kanyang pangalan.

Batay sa ulat ng BTAC sumobra ang ininom na alak ng Koreano kaya nakatulog ito sa gilid ng baybayin.

Dahil dito hindi namalayan ng biktima na mabilis na sumalisi ang isang lalaki at kinuha ang bag ng Koreano na naglalaman ng cellphone, tinatayang P2,000 cash at iba pang mahahalagang gamit.

Nagkataon namang may nagpapatrolyang pulis at naaktuhan ang pagnanakaw kaya nadakip ang suspek na kinilalang si Efren Garcia, residente ng Brgy. Bakhaw, Jaro, Iloilo, City.

Nakapiit ngayon sa l Boracay Police Station ang suspek at iniimbestigahan kung may kinalaman ito sa iba pang kaso ng pagnanakaw sa naturang isla.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply