Sa lampas 100 movies pa lang ni Tito Dolphy sa RVQ, daan-daang milyones na ang mamanahin ng mga anak

WE HEARD na hindi pa pala nabibili ng kahit anong Tv network ang rights para sa mga blockbuster na pelikula ni Tito Dolphy na siya mismo ang mga nag-produce sa ilalim ng kanyang RVQ Films, kung saan isa sa maraming contract stars ng nasabing movie outfit ay ang isa sa Dolphy’s Angel ng namayapang Hari ng Komedya na si Carmi Martin. Base sa kwento ni Tito Dolphy noong siya’y buhay pa, lampas 100 movies ang nagawa nila sa RVQ kung saan majority siyempre rito ay siya ang bida.

Aba! Kapag naibenta nina Eric Quizon at maybahay ni Pidol na si Zsa Zsa Padilla ang rights nito ay daan-daang milyones ang madaragdag sa mga mamanahin ng 18 anak ni Mang Dolphy. Sabi, ang TV5 ang siyang higit na interesadong bumili nito. Hindi imposible dahil super-duper rich ang may-ari ng Tv network na si Mr. Manny Pangilinan na halos lahat ng malalaking negosyo rito sa Pilipinas ay siya na ang owner. Pero huwag rin tayong pakasisiguro dahil hindi rin naman patatalo ang ABS-CBN diyan na kayang bumili ng International franchise ng mga sikat na shows sa Amerika at ibang bansa. Mismo gyud!

***

Kahanga-hangang performance ni Gov. Vi at mga kasama sa ‘The Healing’ pinag-uusapan

INILI-LEVEL ng iba sa Hollywood star si Batangas Gov. Vilma Santos na nagsi-celebrate ng kanyang 50th year sa showbiz pero hindi pa rin kumukupas ang kasikatan. Yes, compared nga naman sa contemporaries ni Ate Vi na mga laos at nagsisipagtabaan na, siya’y well maintained ang body at looks na parang hindi tumatanda. Kaya naman sa latest movie ng Queenstar for all Season na The Healing under Star Cinema, nagawa pa niya ang mga eksenang tumatakbo at hinahagis-hagis siya, na ikinamangha kahit ng kanilang director.

Honestly, sa sobrang ganda at galing ni Ate Vi rito at mga co-stars na sina Kim Chiu, Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Carmi Martin, Daria Ramirez, Joel Torre, Pokwang at marami pang iba, pinag-uusapan at inaabangan na talaga ng moviegoers sa buong bansa ang nabanggit na suspense-horror film.

Ito ang kauna-unahang full-lenght horror movie ng gobernadora ng Batangas kaya’t huwag ninyong palalampasin ang opening day nito sa 150 cinemas nationwide simula sa July 25. Magkakaroon ng mall show ang buong cast sa darating na July 22 sa Trinoma Mall Activity Center.

Iikot ang kuwento nito sa mga mahihiwagang sakit at sumpa na iaasa ng bawat character sa faith healer na si Daria. Isa sa pinaka-highlight na eksena sa pelikulang ito ay ang pagtangkang pagpatay ni Kim kay Ate Vi na gumaganap na step mom niya.

Naku! Kung nagustuhan n’yo ang “Feng-Shui” at “Sukob,” triplehin n’yong maiibigan ang The Healing na super duper sa ganda at talagang nakatatakot. Ang nasabing film ay mula sa direksiyon ng blockbuster horror/drama director na si Chito S. Roño. Ngayon pa lang ay hinuhulaan na itong tatabo ng husto sa takilya. Good luck gyud Ate Vi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply