Sa SONA ni PNoy, sampal ang dumapo sa mukha ni Paje

SANA naman sa ginawang talumpati ni Pang. Noynoy Aquino sa State of the Nation (SONA) noong Lunes ay simulan na ni DENR Sec. Ramon Paje ang mag-alsa balutan at wag na niyang hintayin pang sibakin siya ng Pangulo sa kanyang kinaluluklukan ngayon.

Aba’y daig pa ni Paje ang pinagsasampal ni PNoy matapos na papurihan ng huli ang alkalde ng Butuan City sa pagkakasabat nito sa illegal logs na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.

Mantakin n’yo, accomplishment sa paglaban sa illegal logging ang ipinagmamalaki ni PNoy nang hindi man lamang binanggit nito ang pangalan ni Paje na secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kung matatandaan nyo, ito yung joint effort ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na pilit na sinasawsawan ni Sec. Paje. Hehehe…

Sobra-sobra pong pag-puri ni Aquino kay Mayor Jun Amante habang ipinamumukha niya sa sambayanang Filipino na itong DENR sa ilalim na pamumuno ni Paje ang siyang kasabwat ng mga illegal logger sa Kamindanawan.

Ipinagmalaki ni PNoy na si Amante ay may political will ‘di tulad nitong si Paje na  inutil sa kanyang puwesto. Ang SONA ni PNoy ay tumatalakay sa isyu ng pagpoprotekta sa ating kalikasan na patama kay Sec. Paje na wala siyang nagagawa para isalba ang nakakalbong kabundukan.

Ang pinagtatakhan ko kung bakit hindi isinama ni PNoy si Paje sa 34 na kawani ng DENR na sinampolan  o sinibak sa tungkulin dahil sa kainutilan at nagsisilbi pang mga protector ng mga illegal logger sa Mindanao.

Para sa akin hindi sapat ang paringgan o pasaringan lang ni PNoy si Paje para umayos. Ang dapat unahin ni PNoy na parusahan ay yung mga totoong inutil sa pagliligtas sa kapaligiran gaya nitong si Paje na panis.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply