Sa tagumpay na inabot: Coco Martin dapat gawing role model ng mga aspiring actors!

NANG magtungo kami sa National Bookstore riyan sa may Farmer’s Plaza para bumili ng mini-mentain naming weekly column, kitang-kita namin kung papaano pagkaguluhan ng mga bagets ang Star Studio Magazine, July issue, kung saan ang cover ay ang isa sa pinakasikat at pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon at itinuturing ngayong showbiz royalty na si Coco Martin.

Kasama ring mababasa sa nasabing issue ang detalyadong kwento ng buhay ni Coco simula noong struggling days pa lang niya hanggang sa pagsikat niya sa Kapamilya Network.

Yes, hindi na kami nagpaliguy-ligoy pa at isa rin kami sa bumili ng kopyang ito ng Star Studio Magazine. Bakit? Masahista days pa lang ng aktor ay hanga na kami sa kanya at alam namin na magsisilbing daan ang solong indie film niyang ito para makamit ang kasikatan lalo pa’t hindi lang kumita sa takilya ang kanyang kauna-unahang pelikula kundi nagkamit pa ng international awards na kasama sa pinarangalan, ay ang direktor ng Masahista na si Brillante Mendoza.

Kitang-kita na sa indie movie ang husay ni Coco sa pag-arte at tapang na gampanan ang mapangahas na role bilang masseur na hindi lang masahe ang inaalok sa customer kundi “extra service” para kumita nang malaki.

Tandang-tanda pa namin na isa kami sa maraming beki na pumila para mapanood lang ang unang araw na pagtatanghal ng pelikulang ito ni Coco sa Gateway Mall Cinema kung saan napuno talaga ang buong sinehan.

At nang mabasa namin nang buong-buo hanggang sa kaliit-liitang kuwento ng buhay ni Coco, lalo kaming naging tagahanga ng sikat na actor.

Nu’ng paghubarin nga pala siya sa Masahista at nakita niya sa camera ang kanyang butt, umiyak talaga siya kasi hindi naman daw siya hubadero at pinalaki ng kanyang Lola Matilde na matino.

Labag man sa kanyang kalooban, ginawa pa rin niya ang eksena at sinunod lahat ng utos ng director. Hindi lang ‘yan ang aantig sa inyong puso at damdamin kapag nabasa n’yo ang nasabing true to life story na ito ni Coco na dumaan sa maraming pagsubok at hirap bago nakamit ang kasikatang tinatamasa ngayon na kanyang nakuha dahil sa sikap at tiyaga at pagiging deboto ng Poong Nazareno sa Quiapo.

Sa todo-todong tagumpay na naabot, kung saan certified No. 1 sa lahat ng teleserye ng ABS-CBN ang pinagbibidahang “Walang Hanggan” na umaabot sa 45% ang rating to the point na maging ang owner ng GMA7 na si Atty. Felipe Gozon ay aminadong pinanonood ito, karapat-dapat lamang na gawing role model si ‘Coco Martin’ na Rodel Pacheco Nacianceno sa tunay na buhay, ng mga aspiring actors riyan. At ilan sa mga tao na nasa likod ng kanyang success ay sina Sir Deo Endrinal at Sir Biboy Arboleda na hindi lang manager kundi itinuturing pang Nanay ng guwapo at multi-awarded actor.

Certified inspiring story gyud!

***

Alagang Beauty Queen ni Claire dela Fuente na si Alo Forbes inihahanda na para sa Miss Universe 2013

MAY addition na naman sa maraming talents ni Ms. Claire dela Fuente. Alaga na rin nito ang tinanghal na 2nd runner-up sa Binibining Pilipinas this year na si Ali Forbes.

Ipina-interbyu na ni Ms. Claire sa amin ang dalaga at in fairness, may future siya sa pagiging beauty queen dahil hindi lang siya maganda at matangkad kundi brainy rin. Given the chance, pwede ring mag-showbiz ang bagong talent ni Ms. Claire bilang singer.

Bago pa man kasi ito sumabak sa pagsali sa Bb. Pilipinas, kilala na siyang lounge Singer sa mga five star Hotels like Manila Hotel and Sofitel Hotel.

Actually, kumikita na siya rito nang maganda kaya lang mas type niyang maging title holder kaya’t pinagsisikapan niyang masungkit ito sa pagsali niyang muli sa Binibining Pilipinas 2013.

Balak nga rin sana siyang isabak ni Claire sa Protege: The Battle for the Big Artista Break kaya lang, may contract pa si Abi sa Binibining Pilipinas Charities ni Mrs. Stella Araneta.

By the way, happy si Ms. Claire at ang alagang si Sam Pinto na naman ang hinirang na No. 1 Sexiest Woman in the World ng FHM para sa taong ito.

Cheers to dat gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply