Sakahan nilalamon ng mga proyekto

BAGO mag-martial law noon, natatandaan kong naglalaro sa 10-12 milyong ektarya ang sakahan sa repablik ni Juan.

Halos katlo ng mahigit sa 36 na milyong ektaryang kabuuang kalupaan nito pero ngayon ay naglalaro na lang ang sakahan sa limang milyon. Mahigit kalahati ang nawala.

oOo

Dahil sa luwang ng sakahan noon na nadatnan at minantine nang kaunti ng gobyernong martial law, natatandaan kong oki ang buhay-buhay ni Juan.

Lalo na nang oki pa ang programang Masagana 99 na binuhay ng mga mirakol rays.

Siyempre, nilamon ang malaking bahagi ng mga sakahan ng lumawak na mga korporeyt parm noon ng mga kroni nina Manong Ferdie.

Por eksport ang mga produkto ng mga korporeyt parm gaya ng mga saging, pinya, asukal, palm oil, coconut oil at iba pa.

Nagpatuloy ang kumbersyon ng mga sakahan sa iba’t ibang programa ng pamahalaan sa
iba’t ibang administrasyon.

Lumawak nang todo ang mga  sakahan  na  nilalamon ng mga industrial park at korporeyt parm pa rin.

‘Yang bayan nga ng Biñan sa Laguna ay naburahan ng mga sakahan nang maitayo ang industrial park diyan.

Ginawa namang tubuhan ang libong ektaryang dating palayan na Hacienda Madirigal sa Kalinga at Cagayan.

Ngayon tuloy-tuloy ang paglamon ng mga proyektong gobyerno at pribado sa mga sakahan kaya maliit na lang ang pinagkukunan natin ng pagkain.

oOo

Totoo, may mga butil na pupuwedeng doon tayo umani ng 150-200 kaban sa isang ektarya.

Ngunit bibihira ang mga ito at ang kakulangan natin ng bigas ngayon ay dulot ng paliit nang paliit na palayan.

Natutuwa tayo na nakaamoy ng simoy ng mga sakahan.

Pero may kaba tayo na isang araw ay  mawala ang mga ito at kasunod dito ang malawakang gutom.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply