Sakit ‘di mapagamot: Bulag nag-suicide

DAHIL walang perang pampagamot sa kanyang lumalalang ulcer, isang bulag ang nagbigti sa Davao del Sur kagabi (Hulyo 17).

Nakilala ang biktima na si Norberto Lumanas, 46-anyos, nagbigti gamit ang lubid na ipinalupot niya sa kanyang leeg.

Ilang oras nang patay ang biktima bago nadiskubre sa kanyang bahay sa Barangay Tagabuli, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakitang nakabitin ang biktima dakong alas-11 kagabi sa loob ng kuwarto nito.

Ayon sa kapatid nitong si Cervacia Lumanas, 51-anyos, bago ang insidente ay nagtangka na ring magpakamatay ang kapatid nitong nakaraang Lunes ng gabi lamang ngunit napigilan niya ito.

Ani Cervacia, masyadong iniinda ng kanyang kapatid ang matinding pananakit ng kanyang tiyan.

Bukod pa rito, kapos din aniya sa pera ang kanilang pamilya kaya hindi mapagamot ang sakit ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply