Saleslady ginahasa ng 2 manyakis, kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang saleslady ng mall makaraang pagpasasaan ng dalawang manyakis habang pauwi sa kanilang bahay sa lungsod ng General Santos.

Ang 19 anyos na dalaga, residente ng purok Sugod, Barangay Apopong ay nagtatrabaho sa KCC mall sa lungsod ay mapalad natagpuan ng isang residente habang binubuhat ng dalawang suspek matapos itong gahasain.

Dahil dito, agad na iniwan ng mga suspek ang biktima kaya agad namang nai-report sa awtoridad ang insidente at nadala sa Mindanao Medical Center habang duguan ang buong katawan.

Nakuha ng pulisya ang dalawang short pants na pinaghihinalaang pag-aari ng dalawang suspek kasama na ang underwear at mga gamit ng 19-anyos na biktima gayundin ang cellphone na iniimbestigahan pa kung pag-aari din ng mga suspek na posibleng makatutulong para matunton ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply