Salpokan ng 2 jeep, 15 sugatan sa Antipolo

SUGATAN ang 15-katao kabilang ang dalawang driver nang sumalpok ang isang pampasaherong jeepney kasunod na pampasaherong jeep nang mawalan ng kontrol ang driber nito kanina.

Halos madurog ang unahan ng pampasaherong jeep na may plakang TBS 726 matapos salpukin nito ang isa pang pampasaherong jeep na may plakang TBN 627 nang mawalan ng kontrol ang naturang sasakyan habang pababa sa Sumulong Highway Antipolo City.

Isinugod ng Antipolo rescue team ang mga sugatan sa Amang Rodriguez Medical Center  kabilang na rito ang dalawang naglalakad na kinilalang sina Sotero Reyes at Leandro Oson na nagkaroon ngpinsala sa paa at hita.

Ang dalawang pampasaherong jeep ay  biyaheng Cubao nang maganap ang aksidente dakong pasado alas 11:00 ngayon.

Sa kasalukuyan hindi batid ang mga pangalan ng mga nasugatang pasahero habang hilalapatan ng lunas na nabanggit na pagamutan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply