Salpukan ng 2 bus, 1 patay, 50 sugatan

LA UNION – Isa ang patay habang 50 ang sugatan matapos mag salpukan ang dalawang pampasaherong bus sa nakabaan ng national highway sa Barangay Rissing, Bangar, La Union.

Ang biktima na hindi na umabot sa pinakamalapit na ospital ay kinilalang si Phillip Quitoriano, ng Cauayan, Ilocos Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng La Union Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni deputy chief of police Sr. Inspector Valentino Abenojar, naganap ang insidente banday 2:30 ng madaling araw.

Ayon kay Abenojar ang dalawang nagsalpukang bus ay parehong pag-aari ng Partas Transportation Co. Inc., na pagmamay-ari ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Sa police report, nawalan umano ng control ang isang bus na minamaneho si Tommy Sosias, 40, ng Cabugao, Ilocos Sur  att bumangga ito sa kasalubong na bus.

Agad namang isinugod sa ibat-ibang ospital amg mga sugatan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply