Saludo kami kay Atty. Yves Gonzales

Now I know. Kaya pala sinabi sa amin ni Mayor Sherwin Gatchalian na bilib siya kay Atty. Yves Gonzalez na traffic czar ng MMDA nang bumisita ang mga PIO ng Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM) sa Valenzuela.
Mahusay naman pala talaga.

Ngayon alam ko na yung sinasabi ni Gatchalian na malaking kontribusyon ni Atty. Yves sa MMDA. Isa pala itong techie at software developer/engineer pa kaya alam niya kung paano i-maximize ang potential ng technology at ng social media para sa public information. Aral siya sa Amerika nung high school, Philosophy graduate sa La Salle ng college, at sa Ateneo nagtapos ng law. Kakaibang abilidad meron itong si Atty. Yves. Parang ang layo ng law sa pagiging computer geek.

Brainchild niya ang MMDA Traffic Navigator (http://mmda-traffic.interaksyon.com) at ang Twitter account ng MMDA (@MMDA) na parehong tumatabo nang higit 250,000 followers.
Tunay nga na na-inspire ni Gonzalez ang mga AIMM member na nag-attend ng monthly membership meeting ng AIMM sa MMDA na lalo pang pag-ibayuhin ang mga trabaho namin sa paghahatid ng mahalagang impormasyon sa publiko.

Hindi siya naging maramot sa kanyang mga accomplishment at bukas palad niyang ibinahagi ang “best practices” nila sa MMDA at ang “whys” and “hows” nito. Mabuti naman at pinaunlakan niya kami na maging resource speaker namin ulit para sa aming seminar tungkol sa social at new media para sa mga PIO staff ng Metro Manila. Atty. Yves, aasahan namin ‘yung tulong ninyo.

By the way, kung nasabi ni Chat Santos ng Mandaluyong PIO na kamukha n’yo si Ryan Agoncillo, para kay Jayne Banayad, PIO ng Navotas, si Bobby Yan naman daw ang hawig ninyo. Pero, lahat nagkasundo na kaboses ninyo at kapareho n’yong magsalita sa Aga Muhlach. Kaya naman pala artistahin ang dating ng MMDA Traffic Director ay dahil dati siyang nasa showbiz at nasa cast ng TGIS.

Maraming salamat kay MMDA Chairman Francis Tolentino, Usec. Alex Cabanilla, GM Corazon Jimenez at Goddes Hope Oliveros sa pag-host ng aming monthly fellowship.

Pagtapos sa MMDA, nag- compare notes pa kami nila Lloyd Palconan at Warren Fernando ng Paranaque PIO, Alexander Flores ng CHR, at nina Jun Paclibar at Rommel Sales ng Caloocan PIO sa Bonifacio Highstreet.

Suwerte talaga ako dahil suportado ni Mayor Del R. De Guzman ang pagiging presidente ko ng AIMM mula pa  noong 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply