Salvage victim itinapon sa Quezon City

“Snatcher ako huwag tularan!”

Ito ang karatula na nasa tabi ng bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na tadtad ng tama ng bala ng baril na hinihinalang biktima ng summary execution sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Inilarawan ang hindi pa nakikilalang lalaki na nasa 25-30-anyos, medium built at may kaputian , nakasuot ng pulang long sleeve at maong pants, may tattoo na “NOH-128″ sa tiyan at Henry Cornejo at BCJ sa kanang tuhod.

Sa ulat ni SPO1 Eric Lazo ng QCPD, nadiskubre ang bangkay pasado alas-3:50 ng madaling-araw na nakabulagta at nakaposas pa ang mga kamay sa Banahaw at Batay St. Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Ayon sa mga pulis, hinala nilang sa ibang lugar pinatay ang biktima bago itinapon ang bangkay nito sa lugar para iligaw ang mga pulis sa imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply