Salvage victim napulot sa Caloocan

NATAGPUAN ang bangkay na hinihinalang biktima ng salvage sa kanto ng  Zapote at Terona Brgy. 138 Bagong Barrio Caloocan City kaninang 12:45 ng madaling araw.

Inilarawan ni Sr/Supt. Jude Wilson Santos, ng Caloocan police, ang biktima na nakasuot ng jersey shorts na may kombinasyon ng kulay itim at puti, naka-kulay blue na T-shirt, may taas na 5’7″ at katamtaman ang pangangatawan.

Bukod, sa tadtad ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan, may mga tama pa  ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Sa ulat ng SID, pinahirapan bago pinatay ang biktima na itinali pa ang dalawang kamay ng electric wire, binalutan ng masking tape ang buong ulo, at tinalian ang leeg ng nylon cord.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply