Salvage victim napulot sa Caloocan

“MGA biktima ng holdap sa Monumento sana mapatawad mo (n’yo) ako, sa mga kasama kong holdaper sana huminto na kayo.”

Ito ang nakasulat sa kapirasong papel na nakakabit sa katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage na natagpuan sa tapat ng isang supermarket sa Monumento, Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakabalot ng kumot ang biktima at pinuluputan ng tali ang buong katawaan at leeg na indikasyon na pinahirapan muna bago pinatay sa pamamagitan ng saksak.

Base sa imbestigasyon ni P02 Jerry Garces ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan police, dakong ala-1:00 kaninang madaling araw ng itapon ang bangkay ng biktima sa tapat ng Parco supermarket sa Rizal Ave. Ext. ng nasabing lungsod.

Base sa pahayag ng saksing si Maryjane Acabal, dalawang lalaki na nakamotorsiklo na pawang nakasuot ng helmet ang kanyang nakitang nagtapon sa bangkay sa nasabing lugar.

Naniniwala rin ang mga awtoridad na maaring pinatay sa ibang lugar ang biktima at saka itinapon sa tapat ng nasabing supermarket para iligaw ang kanilang imbestigasyon.

PAtuloy ang imbestigasyon sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply