Sammy Lagmay nananawagan sa mga nakasamang artista

NANAWAGAN ngayon ang dating komedyante na si Sammy Lagmay sa mga nakasama at nakatrabahong artista noon.

Si Sammy ay kasalukuyang nakikipaglaban sa kanyang sakit na diabetes.

Sa panayam ng DZMM kay Sammy Lagmay, ay ikinuwento niya na dalawang beses siyang sumasailalim sa dialysis sa loob ng isang linggo.

Kwento pa ni Sammy, noong Hunyo siya sinimulang isailalim sa dialysis.

Ayon sa kanya, ilan sa mga artistang tumulong sa kanya ay sina Quezon City Herbert Bautista, Nova Villa at Bayani Agbayani.

Ngayon, kumakatok si Sammy sa iba pang mga nakasama sa industriya na tulungan siya partikular sa medical expenses niya.

Handa namang tumulong sa komedyante sina sating senador Freddie Webb, dating mayor Joey Marquez at Margie Juico ng PCSO.

Sa katunayan, pinapupunta na ngayon sa Lung Center of the Philippines si Sammy para matulungan.

Nabatid sa komedyante na mayroong tubig ang kanyang baga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply