Santiago: Huwag gawing family business ang serbisyo sa bayan

NAGHAHANAP ng delikadesa si Senadora Miriam Defensor Santiago sa mga kapwa politiko sa isyu ng political dynasties kaugnay sa nalalapit muling halalan sa may 13, 2013.

Gayunpaman, aminado si Santiago, chairperson ng senate committee on constitutional amendments, revision of codes and laws na bagaman nakasaad sa article 2 section 26 ng 1987 constitution na ipinagbabawal ang political dynasties ay malabo itong maipatupad dahil hindi detalyado ang probisyon.

Aniya, hindi malinaw kung hanggang saan ang pagiging magkamag-anak ng mga pulitiko para masabing nilalabag ng mga ito ang nakasaad sa saligang batas.

Hindi naman nagtataka si santiago kung walang senador o kongresista ang nagsusulong ng batas para linawin ang probisyon sa konstitusyon dahil siguradong hindi ito mapagtitibay.

Dahil dito, pinayuhan na lamang ni santiago ang mga kapwa politiko na kung may kahihiyan pa ang mga ito ay pairalin ang delicadeza at huwag gawing family business ang pagbibigay serbisyo sa bayan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply