Satellite offices bubuksan pa sa mga mall – DFA

SA hangaring mailapit sa taumbayan ang kanilang serbisyo, magbubukas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mga satellite offices sa mga shopping mall sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, 11 consular offices ang kanilang bubuksan bago matapos ang 2012, upang mailapit sa mamamayan ang pagkuha ng pasaporte at iba pang dokumento mula sa kagawaran.

Noong lamang Lunes, Hulyo 30, binuksan ng DFA ang ikatlong consular office nito sa isang shopping mall sa Angeles City, Pampanga para pagsilbihan ang mga residente ng lalawigan at kalapit lalawigan.

Bukas ang mga consular office sa mga shopping mall mula 10:00 am-8:00 pm, Lunes hanggang Sabado, habang kalahating araw naman sa araw ng Linggo.

Sa kabuuan, plano ng DFA na magbukas ng 30 mobile consular offices na makikita sa mga shopping mall sa buong Pilipinas sa hanggang 2014.

Nangako rin si Del Rosario na walang pagtaas sa presyo ng pasaporte na makukuha sa mga satellite offices ng DFA. Sa kasalukuyan, P1,200 ang halaga ng pasaporte na maaaring makuha sa loob ng 14 araw habang P900 naman kung normal na proseso ipadadaan at makukuha matapos ang 21 araw.

Ang mga itatayong consular offices sa mga shopping mall ay bunga ng ipinatutupad na Public-Private Partnership ng DFA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply