Satisfaction rating ni Binay angat kay PNoy

NANANATILING nataas ang satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay habang bumaba naman ang kina Pangulong Noynoy Aquino, Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte.

Batay isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS), lumalabas na si Binay pa rin ang may pinakamataas na satisfaction rating sa mga matataas na opisyal ng gobyerno matapos itong makakuha ng excellent o +70 na rating.

Bumagsak sa +42 mula sa dating +49 na satisfaction rating ni Pangulong Aquino.

Mula naman sa dating +56 ay bumaba sa +48 ang satisfaction rating ni Enrile.

Habang si Belmonte naman na dating may +18 satisfaction rating ay lalong lumagapak sa +8.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply