SC decision vs PIATCO ikinatuwa ng M’cañang

IKINATUWA ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na pagtibayin ang naunang ruling ng Court of Appeals (CA) laban sa Philippine International Air Terminals Co. Inc. (PIATCO).

Sa naturang desisyon, ipinag-utos ng SC sa PIATCO na bayaran ang contractual obligations sa Japanese builders na Takenaka Corp. at Asahikosan Corp. sa pagtatayo ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maganda ang nasabing kapasyahan ng korte dahil pabor ito sa posisyon ng gobyerno.

Nitong Enero, makalipas ang siyam na taong legal battle ay napagtagumpayan ng Pilipinas ang arbitration case laban sa PIATCO sa Singapore upang makuha ang operational rights sa NAIA 3.

Nauna nang kinuwestiyon ng gobyerno ang awtoridad ng PIATCO na patakbuhin ang NAIA 3 sa loob ng 25 taon dahil sa paglabag sa Anti-Dummy Law at kawalan ng approval ng National Economic Development Authority (NEDA) sa nasabing concession.

“Well, maganda naman po ‘yan because that’s also the position of government in this particular case,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply