SC haharapin ng Senado sa JBC issue

HANDA ang buong puwersa ng Senado para harapin ang Supreme Court sa ipinalabas na kautusan na kailangang iisang kinatawan lamang ang dapat maging miyembro ng Kongreso sa Judicial and Bar Council (JBC).

Napag-alaman ito nitong Lunes matapos aprubahan ng Senado ang tatlong resolusyon na humihiling sa JBC na itigil ang proseso sa pagpili ng bagong chief justice at magkaroon ng oral argument sa Supreme Court hinggil dito.

Dahil dito, itinalaga ng Senado si Senador Joker Arroyo bilang kinatawan ng kapulungan sa oral argument upang kontrahin ang desisyon ng hukuman na tanging isa lamang ang kinatawan ng Kongreso sa JBC.

Kinumpirma ni Senador Francis “Chiz” Escudero na si Senador Arroyo ang napagkaisahang kumatawan sa oral argument, matapos ang halos isang oras na caucus ng mga senador kahapon.

Ilang beses nang humaharap si Arroyo sa oral argument sa SC, isa na dito ang ginawang pagkuwestiyon ng Senado sa Executive Order 464 na ipinalabas ng dating administrasyong Arroyo para pagbawalan ang kanilang opisyal na dumalo sa congressional hearing kung walang permiso ng Malakanyang.

“Sa mga constitutional issue, siya palagi ang pinapadala,”katuwiran naman ni Sen. Pia Cayetano kung bakit si Sen. Arroyo ang kanilang pinili.

Sa sesyon ng Senado kahapon, tatlong resolusyon ang kanilang inaprobahan bilang kanilang kasagutan sa problemang idinulot ng desisyon ng SC sa JBC. Una dito ay ang panawagan para isuspinde ang botohan ng kandidato sa pagka-Chief Justice ngayong Agosto 2; pangalawa ay ang kanilang paninindigan na dalawa ang kinatawan ng Kongreso sa JBC; at ang pangatlo ay ang paninindigan na dapat magkaroon ng oral argument sa High Court.

Ang kopya ng mga inaprubahang mga resolusyon ng Senado ay ipapadala naman sa SC, gayundin sa JBC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply