SC wag sisihin sa naunsiyaming national artist award kay Pidol

HINDI dapat isisi sa Korte Suprema kung bakit hindi nagawaran si Comedy King Dolphy ng National Artist Award habang nabubuhay pa ito.

Matatandaan na una nang iginiit ng National Artist Award Committee na hindi magawaran ng National Artist Award si Dolphy dahil sa inilabas na status quo ante order ng Korte Suprema noon.

Ito ay may kaugnayan sa petisyong inihain ng isang grupo ng mga artist laban sa paggagawad ng National Artist Award laban kay Direk Carlo Caparas, Cecile Guidote-Alvarez, Francisco Mañosa, and Jose “Pitoy” Moreno.

Ipinaliwanag ni Atty. Gleo Guerra, Acting Spokesperson ng Supreme Court, na kung nalilito ang National Artist Award Committee kung kasama ba ang iba pang pag-a-award ng nasabing parangal sa ibang indibidwal sa sakop ng status quonte  order ay dapat silang maghain ng motion for clarification sa korte.

Sa pamamagitan aniya ng motion for clarification ay malilinawan ang mga isyu kung saan nagkaroon ng kalituhan.

Sa ngayon ay patuloy aniyang umiiral ang status quo ante order kung saan noong Marso ay inatasan ng SC ang abogado nina Caparas at iba pa kung bakit hindi dapat mapatawan ng contempt dahil sa kabiguan na maghain ng memorandum at maghain ng tugon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply