Scapegoat

KAILAN ba naman hindi nagkamali ang media? Mapa telebisyon, radyo, pahayagan, at maging ang online media ay nasisisi tuwing may isang apoy na lumaki. Dalawang linggo na ang nakararaan ng aking maisulat ang tungkol sa pagbigay ng LTFRB ng 489 prankisang matagal ng patay sa Victory Liner Group.

Kung matatandaan ninyo si Chairman Jaime Jacob ay bumoto tutol sa Victory Liner Group pero ang dalawang board member na si Manuel Iway at Samuel Garcia ay bumoto naman pabor sa bus company. Ngunit ilang linggo pa lang ang dumaan ay nagbitiw na sa pwesto si Iway. Ayon sa kanyang sulat kay Pangulong Noynoy Aquino, walang katotohanan ang mga pasaring na anomalya o korapsyon na nangyari sa kanilang naging desisyon na buhayin at ibigay sa Victory Liner Group ang mga nasabing prangkisa na byaheng North at Central Luzon. Humingi rin ng paumanhin si Iway sa Pangulo kung sakaling napasama ang imahe ng kanyang administrasyon dahil sa nasabing LTFRB decision. Dagdag pa ni Iway, “ In the fallout of the issue, some members of the media have been quick to imply anomalies and corruption on our part. I can assure you that there is no truth to those ridiculous claims.”

Iway defended his position, noting that his record in government was proof of his integrity as a public employee.

Hindi porket ang track record mo’y maganda, ibig sabihin hindi ka na puwedeng magkamali Ginoong Iway.

Teka nga pala, ang isang rason ng iyong pagbitiw ay dahil sa alitan ninyo ni DOTC Sec. Roxas tama nga ba?

Tapos nagpaplano kang tumakbo na lang bilang kongresista ng 1st district ng Negros Oriental sa ilalim ng Partido Liberal? Goodluck po.

*****

Kadarating ko lang sa Krabi, Thailand noong Martes ng gabi ng mabalitaan ko ang pagpanaw ng nag-iisang Comedy King na si Dolphy. May you Rest In Peace Idol. Isang kabanata sa ating buhay ang nagtapos. Mabalik po tayo sa Thailand. Ako po, kasama ang ibang miyembro ng motoring media ay ipinadala doon upang masubukan ang bagong Ford Focus.

Pambihira naman talaga ang sasakyang ito. Mahigit sa 230 kilometros ang aming minaneho gamit itong bagong sasakyan ng Ford. Sa patag man o lubak na daan, paahon o pababa ay talagang matatag at napakasarap gamitin ng bagong Focus. Ang pinakanagustuhan ko sa bagong Focus ay ang Active Park Assist. Opo, preno na lang ang kailangan niyong tapakan, ang kamay alisin sa manibela! Hindi lang iyan. Ang Active City Stop ay isang feature kung saan biglang hihinto ang Focus kapag ang sasakyang nasa harap mo ay biglaang tumigil. Dalawa lang iyan sa napakarami pang bagong features ng sasakyan. Ang presyo? Panalo! Punta na sa pinamalapit niyong Ford dealers.

Maraming Salamat kay Randy Krieger, Anika Salceda-Wycoco, at Patty Dimaano ng Ford Group Philippines.

Paalala lang po, planta lang ang magsasara pero ang serbisyo at pagdating ng mga bagong Ford vehicles ay tuloy-tuloy pa rin. Isang pagpapatunay dito ay ang paglunsad ng Mustang sa Hulyo 18.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply