Scavenger nang-asar, tigok sa tarak sa Pasay

NAMATAY ang isang scavenger nang tadtarin ng saksak ng isang market helper kaninang umaga sa Pasay City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang biktima na kinilalang si Efren Fastrana 32-anyos, binata, walang tiyak na tirahan sanhi ng mga tama ng saksak ng icepick sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, pinaghahanap na ng mga tauhan ng Police Community precinct 4 ang suspek na kinilalang si Kalaw Aransado, 26-anyos, binata, residente ng No.95 Sporting Club P.Villanueva St. ng naturang lungsod.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Allan Valdez, may hawak ng kaso ng Criminal Investigation Division (CID) ng Pasay City Police ang insidente ay naganap dakong 5:30 ngayong Sabado ng umaga.

Ayon sa saksi na si David Villanueva, 25-anyos, inaayos nito ang lugar na paglalagyan ng mga yelo nang mapansin nito ang biktima at ang suspek na umiinom at ilang sandali ay nilapitan ng biktima ang ilang istambay sa palengke.

Nang makita ng suspek ang ginagawa nitong pang-aasar sa mga istambay, agad nitong kinuha ang isang icepick na nakasuksok sa pagawaan ng yelo at walang habas na inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima na ikinamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply