Scavenger tumalon sa rooftop, kritikal

NAKIKIPAGLABAN ngayon kay Kamatayan ang isang 11-anyos na scavenger matapos tumalon mula sa tuktok ng limang palapag na gusali kaninang umaga sa Taguig City.

Nagtamo ng matinding pinsala sa buong katawan at nilalapatan ng lunas sa Philippine Army Hospital ang biktimang itinago lamang sa pangalang Boyet matapos ang tangkang papapatiwakal nang tumalon sa rooftop ng gusali sa Bayani Road, Barangay Ususan, Fort Bonifacio pasado alas-7:00 ng umaga.

Ayon kay Taguig police chief Sr. Supt. Tomas Apolinario, inilahad ng mga kaanak ng biktima na nilukob ng matingding sama ng loob ang bata nang magkaroon sila ng pag-aaway ng kanyang mga kapatid sa harap ng hapag kainan habang nag-aalmusal sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Western Bicutan.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas nang makita ng security guard na si Robinson Sanchez ang biktima na nasa rooftop na ng binabantayan niyang gusali at umiiyak.

Nakita umano ni Sanchez na naglambitin sa mababang bakod ng rooftop ang bata kaya’t tinangka niyang pigilan ito sa pagtalon subalit hindi na niya naabutan pa ang biktima.

Kukwestiyunin naman ng pulisya ang maluwag na seguridad sa naturang gusali na naging dahilan upang makalusot ang biktima papasok at maka-akyat pa sa rooftop upang doon isagawa ang tangkang pagpapakamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply