Seaman, natagpuang patay sa dormitory

NANGINGITIM na ang katawan ng isang 34 anyos na seaman nang matagpuan wala nang buhay  sa loob ng tinutuluyang dormitory kaninang umaga sa Intramuros,Maynila.

Nakilala ang biktima na si Cirilo Buton,taga San Pedro Alegria, Surigao del Norte at tumutuloy sa Trakos Dormitory na nasa Beaterio St. Intramuros, Maynila.

Sa report ni SPO4 Virgo Villareal, imbestigador ng Manila Police District-homicide,  huli umanong nakitang buhay ni Roy Mesa, kasamahang seaman ng biktima na buhay ito dakong alas  9 kagabi  bago ito natulog sa kanyang silid.

Pagsapit ng alas 4:30 ng madaling araw ay napansin nitong hindi na gumagalaw ang biktima at nangingitim na ang katawan  kaya agad niyang ipinagbigay alam sa guwardiya ng dormitory na siya namang nagreport sa pulisya.

Hinala ni Villareal, posible umanong inatake sa puso ang biktima dahil wala namang nakitang anumang sugat sa katawan na palatandaang pinatay ito.

Ang biktima ay napag-alamang naglalakad ng kanyang mga papeles para sa muli niyang pagsakay ng  barko, kaya pansamantalang nanuluyan sa dormitoryo nang maganap ang insidente.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply