Seguridad hinigpitan sa Bangsamoro leaders assembly

MAHIGPIT na seguridad ang ipinapatupad ng mga kasapi ng Moro Isalamic Liberation Front (MILF) sa loob ng Camp Darapanan habang inako naman ng 6th ID Philippine Army at PNP ang pagsiguro sa security sa labas ng kampo.

Ginawa ang paghihigpit matapos makumpirma na dadalo sa Bangsamoro Leaders Assembly sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao sina  Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles at government chief peace negotiator Atty. Marvic Leonen.

Mismong si MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali ang nagkumpirma na dadalo ang dalawang opisyal sa nasabing pagtitipon gayundin ang Malaysian facilitator at opisyal ng Organization of Islamic Conference (OIC).

Ayon kay Jaafar, aabot sa isang milyon ang mga kinatawan na dumalo kahapon sa pagsisimula sa nasabing pagtitipon  na magtatagal hanggang sa Hulyo 9.

Pag-uusapan sa nasabing pagpupulong ang may kaugnayan sa political affiliation at kung paano ma-unify ang efforts ng Bangsamoro leaders upang makamit ang objective ng Bangsamoro people.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply