Seguridad sa airports, hinigpitan pa vs misteryosong sakit

HINIGPITAN pa ang pagmo-monitor sa mga pasaherong dumadating sa bansa na maaaring may sintomas ng “misteryosong sakit” na kumitil na sa buhay ng humigit-kumulang sa 60 bata sa Cambodia.

Ayon sa Bureau of Quarantine, pinaigting pa ang pag-iinspeksyon sa lahat ng mga biyaherong naggaling sa timog silangang Asya, partikular na sa Cambodia para maagapan ang nasabing sakit.

Lumalabas na pawang mga batang pitong taon gulang pababa ang nabibiktima ng sakit na  hanggang sa ngayon ay wala pa ring masyadong nalalaman ang Department of Health ukol sa pinagmulan nito.

Ilan sa sintomas ng sakit ang pagtaas ng bilang ng white blood cells ng mga batang nabibiktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply