Seguridad sa public viewing ni Dolphy handa na

INIHANDA na ng Taguig City PNP ang mga planong pangseguridad at trapiko sa nakatakdang public viewing ng mga labi ng Hari ng Komedya na si Dolphy sa Heritage Park bukas.

Ayon kay Taguig City police chief Senior Superintendent Tomas Apolinario, sinimulan na ang pagtatalaga ng mga seguridad sa mga lugar na daraanan ng mga tao na tiyak na bubuhos sa pagsisimula ng nabanggit na public viewing. Pagtutuunan din ng mga pulis ang mga kalsada na tiyak na magsisikip sa pagdagsa ng tagahanga ni Dolphy na nais makidalamhati sa pagpanaw nito.

Marami na umanong fans ang nagsimulang pumunta sa Heritage Park subalit hindi pinayagan ng mga security personnel na makapasok ng park dahil na rin sa isyung pangseguridad. Nang malaman na sa Huwebes pa ang public viewing ay nagsiuwi na ang mga ito.

Nakatakdang ilibing si Dolphy sa Linggo.

Ang Hari ng Komedya ay binawian ng buhay sa Makati Medical Center kagabi sa edad na 83.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply