Sekyu ng simbahan, arestado; baril ‘di lisensyado

SWAK sa kulungan ang isang bugos na sekyu matapos itong manakit ng 13 anyos na sampaguita vendor at nahulihan ng walang kaukulang papeles ng baril sa loob ng simbahan sa Caloocan City.

Si Salvador Zape, 41  security guard at stay-in sa simbahan ng San Roque Catedral Church ng lungsod ay kasalukuyang nakapiit at sa selda ng Caloocan police at naharap sa kasong sa paglabag sa kasong RA 7610 at RA 8294 nang mahulihan ng hind lisensyadong baril.

Sa reklamong ni Christina Pineda, 41 ng Macanas St., Panghulo Malabon City, walang awang binatukan, sinaktan at pinagpapalo ng kaptulol na kahoy ang kanyang anak na si Jonh Kenneth Pineda 13, habang ito ay nag titinda ng sampaguita sa nasabing simbahan.

Ayon sa  ulat, dakong alas 9:00  ng gabi ng saktan ng suspek ang biktima sa loob ng nasabing simbahan matapos makulitan sa biktima.

Dahil sa reklamo, agad tumugon si  P01 Taguinod ng follow up ng Caloocan police pinuntahan ang suspek pero nahulihan ito ng snubnose caliber 38 na may apat na live ammos at walang mga kaukunag papeles bukod sa wala pa itong security guard license.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply