Senador kanya-kanyang expectations sa SONA

KANYA-KANYANG hangad ang mga senador sa mga isyu na dapat matalakay ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 23 ng taong kasalukuyan.

Para kay Senate President Juan Ponce Enrile, dapat pagtuunan ng pansin ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA ang economic direction at usapin sa pangkalahatang seguridad ng bansa.

Hagad naman ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na ilalahad ng Pangulo ang kanyang mga plano at polisiya sa umiiral na tensyon sa West Philippine Sea laban sa bansang China.

Pero ayon kay Revilla dapat ding itulak ng Pangulo ang pagpasa ng Sin Taxes Bill at Freedom of Information Act.

Tulad ni Revilla, hangad din ni Sen. Gringo Honasan na banggitin sa SONA ni Pangulong Aquino ang panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas partikular sa kung ano ang magiging stand nito.

Una rito, hayagan nang sinabi ng Malakanyang na hindi prayoridad ng administrasyong Aquino ang Charter-change sa pagsasabing maaari namang umunlad ang ekonomiya kahit walang Cha-cha.

Inaasahan naman ni Sen. Ping Lacson na babanggitin ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA ang pagpapatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng impeachment trial kay dating Chief Justice Renato Corona at pagpapaliwanag sa inilabas na Executive Order para sa pagmimina.

Umaasa naman si Senate majority leader Vicente Sotto III na hindi isasama ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA ang pagsusulong ng Reproductive Health bill.

Sa panig naman ni Sen. Loren Legarda, inaasahan nitong mapapasama sa SONA ang kampanya ng pamahalaan laban sa climate change at disaster risk reduction.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply