Serbisyo sa mga paanakan sa Marikina pinag-ibayo pa

PARA sa isang ligtas na panganganak, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Del De Guzman ang mga birthing clinics o bahay paanakan at klinika na pag-ibayuhin pa ang mga serbisyo sa pagpapaanak at pangangalaga upang mabawasan at maiwasan ang insidente ng mga ina at sanggol na namamatay.

Ito ay nakasaad sa ipinasang Ordinansa Bilang 31, Serye ng 2012 na naglalayong pangasiwaan ang lahat ng pampubliko at pribadong paanakan sa lungsod.

Ayon sa datos ng City Health Office (CHO), pitong ina ang namatay sa panganganak at 20 sanggol ang naitalang namatay noong taong 2011.

Upang matiyak ang kaligtasan, kailangang sumunod sa batayan ang lahat ng bahay paanakan at klinika ayon sa imprastraktura, kagamitan, supply, at gamot.

Isang sertipiko ng pagsunod sa mga nasabing batayan ang kinakailangan bago makakuha ng sanitary permit mula sa CHO. Papatawan ng multa ang anumang bahay paanakan at klinikang lalabag sa nasabing ordinansa.

“Sa panganganak ng mga ina, ipinagkakatiwala ng mga ito ang kanilang buhay sa mga bahay paanakan. Kaya naman marapat lamang na ang mga ito ay tumugon sa pagbibigay ng mataas na kalidad ng serbisyo upang maiwasan ang hindi inaasahang pagkamatay ng ina at sanggol,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Samantala, magkatuwang ang City Health Office, Business Permits and Licensing Office, at City Environmental Management Office sa pagpapatupad ng nasabing ordinansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply