Shabu tangkang ipuslit, Malaysian dinampot sa NAIA

DINAMPOT ng mga awtoridad ang isang Malaysian nang tangkain nitong ipuslit ang siyam na plastic ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Kinilala ang nadakip na si Uy Hok Wan na itinago ang shabu na tumitimbang ng 4.51 kilo sa sikretong compartment sa kanyang maleta.

Nabatid na nagmula sa Hong Kong ang suspek.

Iti-turn over ang suspek sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang mga ebidensya laban dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply